Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinaganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco noong Enero 25, 1933) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabingisang pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino.
Noong Marso 24, 2008, napabalita na mayroong colon cancer, isang sakit sa bituka, ang dating pangulo, na kasalukuyang may edad na 75. Pero dahil sa supporta ng kanyang anak na si Kris Aquino mayroon sa kanyang nag-aasikaso at ngayon unti-unti na nawawala ang kanyang sakit. Kung hindi dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Ninoy Aquino sa ngayon mas maging masaya at matapang si Cory.

Reference: http://tl.wikipedia.org/wiki/Corazon_%22Cory%22_Aquino
0 comments:
Post a Comment