(Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964)
Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan. Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.
Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa Luzon sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas,siya ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring Dominican, nagpatala siya sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina.
Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong pangunahan ang isang pag-aalsa na sa kaunting panahon ay nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong noong 1888. Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ng mga Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.
Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio, na may layuning patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896, at ginampanan niya ang pamumuno sa kilusan pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol laban sa mga rebelde sa pamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon.
Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapuluan ng Saligang-batas ng Pilipinas bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899.
Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral,tulad ni Gen.Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94.

0 comments:
Post a Comment