http://www.skulko.blogspot.com

Pages

Ang Pagpanaw at Parangal kay Corazon Aquino




Pumanaw ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino noong Agosto 1, 2009 sa edad na 76. Nilibing siya noong Agosto 5, 2009. Tinuturing siyang Bayani ng sa ika-5 ng Agosto. Siya itinuturing na Bayani ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagbalik sa malayang pamamahala sa Pilipinas. Bagamat nagsimula sa buhay politika bilang isang "karaniwang maybahay", kinikilala na siya ngayon ilang isang Simbolo ng Demokrasya sa buong Daigdig. Siya ang biyuda ng martir na si dating Senador Benigno Aquino. Inulan siya ng parangal sa pamamagitan ng mga dilaw na laso at konpeti bilang pagkilala sa kanyang dakilang kabayanihan.

Sakit

Noong Marso 24, 2008, inanunsyo ng pamilyang Aquino na may sakit na kanser sa kolon ang dating Pangulong si Corazon Aquino. Binigyan siya ng kimoterapya nang malamang may hanggang tatlong buwan na lamang siya mabubuhay. Sa mga pampublikong pahayag, noong Mayo 13, 2008, kanyang sinabi na maganda ang resulta ng pagpapaggamot matapos siya suriin ang dugong kinuha sa kanya. Bagamat nakakaranas ng matinding karamdaman, nanatiling aktibo sa publiko si Gng. Aquino, at patuloy siyang sumasama sa mga misa hanggang maospital noong mga huling araw ng Hunyo 2009.

Mga huling araw

Ipinahayag noong Hulyo 2009 na malubha na ang kundisyon ng dating Pangulo kaya't isinugod na siya sa Makati Medical Center hinggil sa kawalan ng gana. Dahil sa kalubhaan ng kanyang kundisyon, nagpasya ang pamilyang Aquino na itigil na lamang ang lahat ng gawaing medikal pati na ang kimoterapya.

Pagkamatay

Namatay si Gng. Aquino sa sanhing cardiopulmonary arrest matapos ang maraming kumplikasyon buhat ng sakit niya sa kolon, sa edad na 76 noong Agosto 1, 2009, 3:18 ng madaling araw, doon sa Makati Medical Center.

"Our mother peacefully passed away at 3:18 a.m. (19:18 GMT Friday) of cardio-respiratory arrest (Namatay ng mapayapa ang aming ina noong ika-3:18 ng madaling araw sa sanhing cardi-respiratory arrest)," sabi ng kanyang panganay na anak na lalaking si Senador Benigno Aquino III nang kausap ang mga mamahayag sa Kalakhang Maynila.




Reference: http://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Pagpanaw_at_Parangal_kay_Corazon_Aquino

0 comments:

Post a Comment