http://www.skulko.blogspot.com

Pages

Mga Pangulo ng Pilipinas




Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng labing-apat na pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Halimbawa, ang kasalukuyang pangulo, si Gloria Macapagal-Arroyo, ay itinuturing na panglabing-apat na pangulo.

Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan — hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.

Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.



Unang Republika

* Emilio Aguinaldo (1899-1901)

Komonwelt ng Pilipinas

* Manuel L. Quezon (1935-1941; 1941-1944 (namatay) )

* Sergio Osmeña (1944-1946 (nanungkulan sa pagkamatay ni Quezon) )

* Manuel Roxas (1946-1948 (naging pangulo ng Ikatlong Republika) )

Ikalawang Republika

* Jose P. Laurel (1943-1945)

Ikatlong Republika

* Manuel Roxas (1946-1948 (namatay) )

* Elpidio Quirino (1948-1949 (nanungkulan sa pagkamatay ni Roxas); 1949-1953)

* Ramon Magsaysay (1953-1957 (namatay) )

* Carlos P. Garcia (1957 (nanungkulan sa pagkamatay ni Magsaysay); 1957-1961)

* Diosdado Macapagal (1961-1965)

* Ferdinand E. Marcos (1965-1969; 1969-1972 (iprinoklama ang batas militar) )

Panahon ng Batas Militar / Bagong Republika

* Ferdinand E. Marcos (1972-1981 (namahala bilang isang diktator sa ilalim ng batas ng pangulo))

Ikaapat na Republika

* Corazon C. Aquino (1986)

Ikalimang Republika

* Corazon C. Aquino (1986-1992)

* Fidel V. Ramos (1992-1998)

* Joseph Ejercito Estrada (1998-2001 (pinalitan sa pwesto) )

* Gloria Macapagal-Arroyo (2001 - 2010)



Reference: http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_Pangulo_ng_Pilipinas

0 comments:

Post a Comment