Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Nagsimula ito bilang isang instrumental na martsa na pinagawa ni Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Pilipinas noon, kay Julian Felipe para sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ipinangalan ang martsang ito na Marcha Filipina Magdalo. Nang maging pambansang martsa ang musika, naging Marcha Nacional Filipina ang pangalan nito. Tapos, noong 1899, isang batang manunula't sundalong si Jose Palma ay sumulat ng tulang Filipinas sa Kastila. Itong tula ang naging liriko ng pambansang awit.
Noong dekada 1920, naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos na isalin ang pambansang awit sa Ingles. Ito ay ginawa ni Senador Camilo Osias at isang Amerikano, si Mary A. Lane, at ito ay naging opisyal noong 1938.
Ang mga salin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinakapopular sa mga salin na ito ay ang O Sintang Lupa, na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ang O Sintang Lupa ay naging opisyal noong 1948.
Sa kahulihan, noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay, isinalin muli ang awit sa katutubong wika na Tagalog. Sa Mayo 26, 1956, unang inawit ang pambansang awit, ang Lupang Hinirang. May mga kaunti pang pagbabago sa liriko na ginawa noong 1962 at ito ay ang bersyong ginagamit sa kasalukuyan.
Ang mga sumusunod ay mga bersyon ng pambansang awit sa Tagalog, Kastila, Cebuano, Hiligaynon, Bikolano, Panggasinan, at Ingles.
Filipino: Lupang Hinirang
Nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo; ang pinakahuling salinwika ng 1962
Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan, Alab ng puso, Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, 'Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa iyo.
Tagalog: Diwa ng Bayan
Ang unang salinwikang Tagalog, ginamit sa Panahon ng Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Lupang mapalad, Na mutya ng silangan; Bayang kasuyo, Ng Sangkalikasan.
Buhay at yaman, Ng kapilipinuhan; Kuha't bawi, Sa Banyagang kamay.
Sa iyong langit, Bundok, Batis, Dagat na pinalupig; Nailibing na ng karimlan, Ng kahapong pagtitiis.
Sakit at luha, hirap, Susa at sumpa sa pagaamis; ay wala nang lahat at naligtas, Sa ibig maglupit.
Hayo't magdiwang Lahi kong minamahal, Iyong watawat ang siyang tanglaw; At kung sakaling ikaw ay muling pagbantaan, Aming bangkay ang siyang hahadlang.
Tagalog: O Sintang Lupa
Bersyon ni Balmaceda, Santos at Caballo na ginamit mula 1948 (dalawang taon pagkaraan ng pagbibigay ng kasarinlan sa Pilipinas ng Estados Unidso noong 1946) hanggang 1956. Napalitan ito ng salinwika ng 1956, na nagkaroon din ng pagbabago sa kalaunan.
O sintang lupa, Perlas ng Silanganan; Diwang apoy kang Sa araw nagmula.
Lupang magiliw, Pugad ng kagitingan, Sa manlulupig Di ka papaslang.
Sa iyong langit, simoy, parang. Dagat at kabundukan, Laganap ang tibok ng puso Sa paglayang walang hanggan.
Sagisag ng watawat mong mahal Ningning at tagumpay; Araw't bituin niyang maalab Ang s'yang lagi naming tanglaw.
Sa iyo Lupa ng ligaya't pagsinta, Tamis mabuhay na yakap mo, Datapwa't langit ding kung ikaw ay apihin Ay mamatay ng dahil sa 'yo.
Ilocano: Nailian a Dayyeng
Orihinal na bersyon nina Dr. Mary Lou Campo at Prof. Romeo Sevilleja
O Pilipinas, tampok ti kinapintas Ti addaan puso, ay-ayatendaka Bagnos ken baggak, perlas ti dumaya Dimi ipalubos nga irurumendaka
Iti tangatang, ulep ken pul-oy Bambantay ken baybay Mangmangngeg ken mariknami't Samiweng ni waya-waya
Ipatpategmi ti wagaywaymo Tanda ti ballaigi
Bitbituen, Initmo, Ingget raniag Dinto pulos nga aglidem
Daga ni gasat, ragsak Nam-ay ken Ayat Ta sidongmo, dayawmi ti agbiag
Ngem nadaydayawkam A sikakanatad Gapu kenka, iruknoymi toy biag.
bersyon ni Eugene Carmelo C. Pedro
Imnas nga ili Baggak ti dumadaya Daytoy ayatmi Ti sagutmi kenka
Dagat' kinasudi Indayon ti nakired Iti mangdadael Haanka pailuges
Iti tangatang, ulep ken pul-oy Bambantay ken baybay Addan dayag ti daniw ken dayyeng Ti nasamit a wayam
Ti raniag ta wagaywaymo Ket balligi a nasileng Ti init ken dag'ti bitbituenna Dinto pulos aglidem
Nakaliblibnos unay a dagan' ayat Daytoy biag langit dita dennam Ngem no ti dayawmot' inda dadaesen Inggat' tanem sumalakankam
Espanyol: Filipinas ni José Palma
Tierra adorada Hija del sol de Oriente, Su fuego ardiente En ti latiendo está.
¡Patria de amores! Del heroismo cuna, Los invasores No te hollarán jamás.
En tu azul cielo, en tus auras, En tus montes y en tu mar Esplende y late el poema De tu amada libertad.
Tu pabellón, que en las lides La victoria iluminó, No verá nunca apagados Sus estrellas y su sol.
Tierra de dichas, del sol y de amores, En tu regazo dulce es vivir. Es una gloria para tus hijos, Cuando te ofenden, por ti morir.
Cebuano: Nasudnong Awit
ni Jess Vestil
Yutang tabunon Mutya nga masilakon Putling bahandi Amo kang gimahal
Mithing gisimba Yuta s'mga bayani Sa manglulupig Among panalipdan
Ang mga bungtod mo ug lapyahan Ang langit mong bughaw Nagahulad sa awit, lamdag sa Kaliwat tang gawas
Silaw sa adlaw ug bitoon Sa nasudnong bandila Nagatimaan nga buhion ta Hugpong nga di maluba
Yutang maanyag, duyan ka sa pagmahal Landong sa langit ang dughaan mo; Pakatam-isom sa anak mong nagtukaw Kon mamatay man sa ngalan mo.
Hiligaynon: Banwang Guinhalaran
Banwang masinadyahon, Perlas sang nasidlangan, Init sang tigpusuon, Gakabuhi sa imo nga dughan.
Banwang Guinhalaran, Payag ka sang maisog, Sa mga manugpigos, Wala guid nagapadaog.
Sa dagat kag bukid, Sa usbong kag sa dagway nga gabanaag, May idlak kag tibok ang dilambong, Kag amba sang kahilwayan.
Ang idlak sang ayahay mo, Isa ka matam-is nga kadalag-an, Ang bituon kag ang adlaw, Nangin masanag sa katubtuban.
Dutang nasambit sang adlaw kag paghigugma, Sa sabak mo matam-is ang mabuhi, Ginapakipagbato namon, nga kung may manungpanakop, Ang mapatay nahanungod sa imo.
Bikolano: Rona Kang Mawili
Dagang namo-motan Aki ka nin sirangan Tingraw niyang malaad Nasa si-mong daghan.
Rona kang mawili Nagimatan bayani An mansalakay Dai ka babatayan.
Sa si-mong langit, bukid Hayop kadagatan siring man Nagkukutab nagbabanaag An si-mong katalingkasan.
Simong bandera na nagkikintab Sa hokbo naglayaw Dai nanggad mapapara An simong bitoon Aldaw.
Dagang nawilihan, maogma, maliwanag, Sa limpoy mo hamis mabuhay Minamarhay mi kun ika pagbasangan An buhay mi si-mo idusay.
Panggasinan: Oh, Pilipinas dalin min kagal-galang
Oh, Pilipinas, Dalin min kagal-galang Musia na dayat, Ed dapit letakan
Simpey gayagan, Panag-ugagepan day Totoon lapag, Ed dapit-seslekan.
Saray anak mo agda Kawananen ya ibagat ed sika'y Dilin bilay da no Nakaukulay galang tan ka-inaoan
Diad palandey, lawak, taquel, Dayat o no dia ed lawang Sugbaen day patey ya andi Dua-rua no sikay pan-sengegan.
Diad silong na laylay mo mankaka-sakey Tan diad sika man-lingkor tan mangi-agel Bangta dia'd akualan mo aneng-neng day silew Diad akualan mo muet akuen day patey.
Ingles: Philippine Hymn
ni Senador Camilo Osias at Mary A. Lane
Land of the morning child of the sun returning, With fervor burning, thee do our souls adore.
Land dear and holy, cradle of noble heroes, Ne'er shall invaders, trample thy sacred shores.
Even within thy skies and through thy clouds, And o'er thy hills and seas. Do we behold the radiance, Feel the throb of glorious liberty.
Thy banner, dear to all our hearts, Its sun and stars alight. O - never shall its shining field, Be dimmed by tyrant's might!
Beautiful land of love, O land of light, In thine embrace 'tis rapture to lie. But it is glory ever, when thou art wronged, For us, thy sons, to suffer and die.
Ingles: Chosen Land
Literal na salin ng Lupang Hinirang sa Ingles. Hindi opisyal.
Beloved country, Pearl of the Orient, The heart's fervor, In your bosom is ever alive.
Chosen Land, You are the cradle of the brave, To the conquerors, You shall never surrender.
Through the seas and mountains, Through the air and your azure skies, There is splendor in the poem And songs of beloved freedom.
The sparkle of your flag Is shining victory. Its stars and sun Forever will never dim.
Land of the morning, of glory, of our affection, Life is heaven in your arms; When someone oppresses you, it is our pleasure To die for you.
0 comments:
Post a Comment