http://www.skulko.blogspot.com

Pages

Bugtong (Part 1)



1.
Alalay ng mga ikakasal sa simbahan
Kasu-kasunod sa bawat paghakbang.
Sagot: abay

2. Kahoy ko sa Lucena
Bulaklak ay baga
Bunga ay espada.
Sagot: kabalyero

3. Walang ulo, walang mata
May bibig na laging umaariba
At isang tenga na bubuka-buka.
Sagot: kawali

4. Hayan na, hayan na
malayo pa'y humahalakhak na.
Sagot: alon

5. Nakalantad kung gabi
Kung araw ay nakatabi.
Sagot: banig

6. Matanda na ang nuno
Di pa naliligo
Sagot: pusa

7. Lumalakad walang paa
Lumuluha walang mata.
Sagot: pluma

8. Dalawang magkaibigan
unahan nang unahan.
Sagot: paa

9. Isang tabo
Laman ay pako.
Sagot: suha

10. Dalawang balong malalim
Di maabot ng tingin.
Sagot: tenga



0 comments:

Post a Comment