http://www.skulko.blogspot.com

Pages

Mapa ng Republika ng Pilipinas


Click the map to enlarge

Bugtong (Part 3)

21. Maputing parang busilak
Kalihim ko sa pagliyag.
Sagot: papel

22. Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo.
Sagot: aso

23. Lumalakad ng walang humihila
Tumatakbo ng walang paa.
Sagot: bangka

24. Gintong binalot sa pilak
Pilak na binalot sa balat.
Sagot: itlog

25. Isang butil na palay
Sakop ang buong bahay.
Sagot: ilaw

26. Baboy ko sa kaingin
Tumataba'y walang pagkain.
Sagot: punso

27. Kuwadro ko sa dingding
Kamukha ng bawat tumitingin.
Sagot: salamin

28. May puno, walang sanga
May dahon, walang bunga.
Sagot: sandok

29. Buto't balat, lumilipad.
Sagot: saranggola

30. Baboy ko sa parang
Namumula sa tapang.
Sagot: sili

Bugtong (Part 2)

11. May katawan, walang mukha
Walang mata'y lumuluha.
Sagot: kandila

12. Nagtago si Pedro
Nakalitaw ang ulo.
Sagot: pako

13. May kamay, walang paa
May mukha, walang mata.
Sagot: orasan

14. Bahay ni Kaka
Hindi matingala.
Sagot: noo

15. Dalawang pintuan
Sabay na binubuksan.
Sagot: mata

16. Hugis puso, kung hinog ay kulay ginto
Mabango kung amuyin
Matamis kung kainin.
Sagot: mangga

17. May bibig walang ngipin
May tiyan walang laman.
Sagot: bote

18. Eto na si Kaka
bubuka-bukaka.
Sagot: gunting

19. Isa ang pinasukan
Tatlo ang nilabasan.
Sagot: kamiseta

20. Isang balong malalim
Punung-puno ng patalim.
Sagot: bibig